WHAT'S NEW?
Pahina ng Pangarap: Where stories and ideas come alive
WHAT'S NEW?
Konti na lang, mga ka-likha! Dadalhin na namin sa inyong mga paaralan, tahanan, at komunidad ang Resilience Builders Climate Education Toolkit — isang masayang paraan para matuto tungkol sa climate action at climate justice gamit ang mga laro at gawaing pang-komunidad.
🌱 Alam mo ba? Higit na apektado ang mga bata at kabataan sa dinaranas nating climate crisis, ngunit nananatiling malabo para sa marami ang konsepto ng climate change. Batay sa mga nagdaang konsultasyon at co-creation workshops, bagaman nagkakaiba-iba ang karanasan at kaalaman ng kabataan, iisa ang hamon: paano ito mauunawaan nang mas simple at makabuluhan batay sa kanilang mga aktwal na karanasan sa pamayanan?
Noong 2024, ang Pilipinas ang may pinakamataas na disaster risk sa buong mundo, batay sa World Risk Index (WRI), na may score na 46.91. Ito na ang ikatlong sunod na taon na nangunguna ang ating bansa sa talaang ito, na sumusukat sa panganib ng isang bansa sa mga kalamidad batay sa pagkakalantad sa natural na panganib at kahinaan, kabilang na ang kakayahan nitong tumugon sa mga sakuna.
Kaya naman mahalagang maunawaan ng mga bata at kabataan ang kahalagahan ng climate justice — ang pagtindig para sa karapatan ng mga pinaka-apektadong mga sektor sa ating pamayanan at ang pagsusulong ng pangangalaga sa ating kalikasan.
Sa tulong ng Youth Climate Justice Fund, layunin ng Resilience Builders na turuan at palakasin ang pakikilahok ng bawat bata at kabataan sa mga komunidad upang maging boses at sama-samang kumilos para sa kalikasan.
📣 Abangan na rin ang opisyal na panawagan para sa mga Master Trainer — baka ikaw na ang hinahanap namin!
"A nation without culture is a nation without spirit". - Sir Seretse Khama, the first president of Botswana
WHO ARE WE?
KOMUNIDA Initiative is a non-profit organization that aims to co-create thriving and dignified communities through creative expression and by celebrating culture and arts. It is an initiative centered on independent communities and based on the discipline of development communication and Filipino psychology.
Komunida was formed to respond to the call of the national government to achieve a stable, convenient, and secure life for Filipinos. It covers all aspects of development: economic, human capital, institutional, environmental, social and cultural.
Our team, composed of passionate individuals, is in place and ready to drive change. Our commitment to transparency and community empowerment guides our every move.
Pahina ng Pangarap themed Children in Climate Action and Community Resilience Building, Mandaluyong City
OUR CO-CREATORS
WANT TO GET INVOLVED?